Madalas ang Christmas ay lumilipas na lang na parang red, green, at gold na kumikislap ng malabong bumbilyang ilaw, makulay na wrapping gifts, at ng mga pamilyar na karoli ng.
Dahil sa kabisihan sa pag-shopping, pagsugod ng mga kamag-anak, pagtanggap at pagbibigay ng regalo, pag-attend ng mga special program, party, o reunion hindi namamalayan na mabilis na natatapos at dumadaan lang blessed season.
Handa man o hindi maging sa financial, physical, at emosyonal na aspeto sa kabila ng pressure at stress dahil sa ingay ng paligid; huwag kalimutan na gawing makabuluhan ang pagdiriwang ng kapaskuhan.
Huwag hayaan na mairaos lang ang holiday season kundi ibahagi ang tunay na kasiyahan, kapayapaan, at pagmamahal hindi lang sa pamilya o kakilala; bagkus maging sa mga taong kapos at nangangailangan ng kalinga.