Kung nakapanood ng pelikulang Second Chance maraming asawang lalaki ang naka-relate sa dalawang klase ng takot ng isang padre de familia sa problema na ipinakita ni Popoy, ang character sa movie.
May dalawang uri ng takot na iniiwasan ni husband, kuya, at kahit sinong lalaki na malaki ang maitutulong ni nanay at maging ng buong pamilya:
Walang Silbi- Ang tatay ang sinasabing haligi ng tahanan na pinagkakatiwalaan ni misis at ng mga anak.
Pero ayaw ng mga lahi ni Adan na matawag silang walang silbi. Kaya kahit hindi perpekto si tatay na marami ring kapalpakan, kabiguan, kapintasan, at pagkakamali; pinangangatawanan ni Father dear na maging lider at good provider para sa kanyang pamilya.
Higit na kailangan din nito ng boses na susuporta sa pahanon ng kanyang kalungkutan at problema para lalong ma-boost ang adrenaline sa kanyang sistema na kahit anong mangyari ay lagi siyang may silbi sa kanyang asawa, anak, at mahal sa buhay.
Kontrol – Noon pa man maliwanag na hiwalay na ang puti sa dekolor dahil magkaiba ang standard ng babae at lalaki.
Nirerespeto ng mga kalalakihan ang karapatan ng mga misis at anak na babae. Pero nawawalan ng drive at desire ang lalaki kapag kinokontra at minamanipula ang kanilang desisyon. Magaling pa naman magpasunod ang mga lahi ni Eba na konting pabebe at emote ay wala nang choice si Adan, ito man ay sa isyu ng intimacy, pananalapi, o pagdedesisyon kahit hindi nito gusto ang idea.
Pahalagahan ang desisyon ni mister kahit na madalas sa paningin ng nanay ay palpak at kulang sa diskarte ang aksyon ni kuya.
Higit na makatutulong kung dadamayan at susuportahan ito para lalong maging confident ang asawa at saka pag-usapan ang suggestion na makabubuti sa kanyang pag-iisip at gagawin.