Alam nyo ba?
Si Severino Reyes ang nagbigay-buhay kay Lola Basyang. Nailathala “Ang mga Kwento ni Lola Basyang” noong 1925 sa pahayagang Liwayway. Naging sikat ang mga kuwento nito noong 1975. Napapakinggan noon sa radyo at nababasa sa mga comic books ang istorya ni Lola Basyang, at hanggang angayon ay ipinalalabas sa telebisyon ang ilan sa mga kuwento nito, at isinalin na rin sa stage play. Si Lola Basyang ay isang matandang babae na mahilig magkwento sa kanyang mga apo. Pagkatapos kumain ng hapunan at laging nagtitipun-tipon na ang kanyang mga apo upang nakinig sa kanyang mga kwento. Ito rin ay sumasalamin sa kulturang Pinoy, kung saan kahit hindi pa uso ang mga gadgets noong araw ay nagkakaroon ng masayang koneksyon ang mga bata, anak, magulang, at ang mga kasamang lolo at lola sa tahanan.
- Latest