Mas mabilis ang paggaling ng sugat sa pagkain ng bayabas

Naku, hindi pala dapat indyanin lang ang bayabas. Marami kasing benepisyo ang maibibigay sa pagkain ng prutas nito. Madaling tumubo ang puno ng bayabas kaya naman kahit sa bakuran ng inyong kapitbahay ay siguradong may tanim sila. Minsan hindi masyadong pinapansin ang bayabas, ngunit ang hindi natin alam ay marami health benfits ang makukuha rito.

Isa na ang Vitamin C. Isa ang bayabas sa may pinakamataas na source ng Vitamin C, tatlong beses ito na mas mataas sa recommended daily requirement ng ating katawan. Kaya kung ikaw ay sinisipon at nanghihina, magandang uminom ng guava shake o kahit kumain ng prutas nito.

Ang pagkain ng isang bayabas ay makakapalit sa nawawalang (ipinapawis/iniihi) Vitamin C sa ating katawan kada araw.

Ang Vitamin C din ay nagsisilbing antioxidant at nakapagpapalakas ng ating immune system. Panlaban din ito ng ating katawan sa sipon, ubo, at trangkaso.

Nakakatanggal din ng stress ang pagkain ng bayabas dahil nga sa antioxidant content nito. Kaya kung medyo hapo ka ay mainam itong pantanggal pagod.

Isa pang benepisyo ng Vitamin C bilang antioxidant ay ang paglinis nito ng free radicals at impurities sa ating balat para mapanatiling fresh-looking ito. Hindi lang magandang balat ang hatid ng pagkain ng bayabas. Nakatutulong din kasi ito sa pag-repair ng body tissues sa ating katawan. Ibig sabihin mas mapapabilis nito ang paggaling ng mga sugat at hiwa sa ating katawan.

Kaya sa susunod na makakita kayo ng bunga ng ba­yabas na nahuhulog lang sa puno, ‘wag itong sayangin dahil marami tayong makukuhang benepisyo rito. Burp!

Reference: http://wiki-fitness.com/guava-health-benefits-and-nutrition-facts/

Show comments