Ang pamumuhay ng mga Pilipino ngayon ay impluwensiya ng mga bansang sumakop. Ngunit sa kabila ng maunlad na pamumuhay sa siyudad, mayroon pa ring nananatili sa liblib na lugar ng gubat. May iba’t ibang tribo ng Pilipinas na naging pangunahing bahagi ng Kulturang Pilipino. Ang mga Mangyan ay katutubong naninirahan sa kabundukan ng Mindoro. Katunayan sila ang unang tao sa Mindoro. Tinawag silang Mangianes, Manghianes o Manguianes. Ang komunidad ng Mangyan ay binubuo ng pitong tribo. 1. Batangan o Tawbuhid – sila ang may pinakamaraming populasyon sa tribo ng Mangyan. 2. Alangan 3. Iraya 4. Tadyawan 5. Buhid 6. Ratagnon at 7. Hanunuo – sila ay tinawag na “Mangyan Patag” sapagkat sila lamang ang nakaranas na mamuhay sa sibilisadong bayan. Ang bundok Halcon ay ang paboritong akyatin ng mga mountaineers. Sa bundok na ito naninirahan ang mga Iraya.