MANILA, Philippines - Ngayong holiday season shopping paganahin ang art o skill sa pakikipagtawaran habang namimili.
Ang pagbabayad sa tamang presyo ay bahagi lang ng pagiging smart sa pagsa-shopping. Ang pagpili sa tamang store sa mga pinamili ay importante rin. Pero may iba pa rin dapat konsidera sa piniling tindahan o store. Tulad ng kung ang item ay made-deliver ba ng on time? Ano ang return policies ng store kung sakaling nagkaproblema ang item? Baka naman mahirap din kausap ang staff ng store. Imagine, paano pa kung kailangang isaoli o palitan ang nabiling produkto. Garantisado bang pinakamababang presyo ang nakuha mo?
Walang masama sa pakikipagtawaran dahil karapatan ito ng bawat customer. Pero huwag kalimutan na maging nice at i-practice ang pagiging polite sa pakikipag-deal sa ibang tao habang nagsa-shopping dahil kailangan mo talagang magbaon ng drum ng pasensiya kung gustong makamura. Kaya huwag din makipag-away sa pakikipag-usap. Para hindi masyadong maabala, magtanong na agad sa mga expert sa tawaran isyu.
Iwasan din ang makaagaw ng pansin o makakuha ng audience dahil malamang gugustuhin din ng ibang kaharap na magkaroon ng extra discount.