MANILA, Philippines - Bago sakupin ng Espanya ang bansang Pilipinas ang pamumuhay ng mga Pilipino ay nasa isang barangay. Ang barangay ay kinapapalooban ng 30 hanggang 100 pamilya. Pinangungunhan sila ng isang pinuno na tinatawag nilang datu. Ang salitang barangay ay balangay sa salitang Malay na ang ibig sabihin ay isang bangka na ginagamit sa paglalakbay patungo sa isla. Ang batas noon ay sinusulat at ipinahahayag ng isang umalohokan o town-crier.