1-Kapag nagbo-blow dry ng sariling buhok, hawakan ang brush ng dominant hand o kamay na mas malakas at lagi mong ginagamit. Ang kamay na mas mahina ang dapat na may hawak ng hairdryer. Mas magiging maganda ang resulta ng pagsusuklay kung dominant hand ang pagagalawin. Ang hairdryer ay itututok lang sa buhok, kaya okey na mas mahinang kamay ang nakahawak dito.
2-Huwag ikuskos ang tuwalya sa basang buhok para matuyo. Sa halip ay ganito ang gawin: Gamit ang kamay, malumanay na pigain ang tubig mula sa buhok. Idampi nang dahan-dahan ang tuwalya sa buhok hanggang hindi na ito tumutulo.
3-Mahina ang buhok kapag basa kaya tuyuin muna bago mag-brush. Habang basa, gamitin muna ang mga daliri para matanggal ang buhol or tangles.
4-Ang buhok ay dapat 60 percent dry bago gamitan ng hairdryer.
5-Kahit ang matatanda ay hindi ito ginagawa sa kanilang buhok—tinatalian habang basa pa. Nakaka-dry at nakaka-kinky ito.-Itutuloy