Buhok na forever ang ganda

Para sa karamihan, ang buhok ang crowning glory ng mga babae. Ito bale ang dapat na pinakamaganda at pagtuunan ng pansin.

Para achieve na achieve ang buhok na forever na ang ganda, heto ang mga kikay tip galing sa ­aking kit na talaga namang makatutulong para sa mas maganda ikaw.

Kung ikaw ay may oily hair, h’wag na masyadong gumamit ng conditioner o kung gagamit man ay dapat sa dulo lang ng buhok.

Kapag naglagay ka kasi ng conditioner mula sa anit ay lalo lang magiging oily at mukhang nagmamantika ang buhok.

Kung gusto mo ng healthy looking hair, kailangan mo rin magpaka-healthy inside. Makatutulong dito kung iinom ka ng multi-vitamins.

Kapag patubo na ang buhok ay naglalabasan ang natural oil ng ating anit. Para maiwasan ito, gumamit ng dry shampoo. Kung wala namang dry shampoo ay pwedeng ihalili rito ang baby powder.

Maglagay lang ng konting powder sa anit and you’re ready to go!

Payo ng mga hair experts, h’wag daw palaging mag-shampoo ng buhok, nakaka-dry daw ito lalo.

Kung hindi naman maiwasan ang pagbabasa ng ulo, h’wag na lang gumamit ng shampoo at plain water lang ang ibabanlaw sa buhok. Pumili rin ng shampoo na walang paraben, dahil nakasisira ito ng buhok.

 

Show comments