May mga lalaking kurbado ang penis. Puwedeng nakakurba ito pakaliwa, pakanan, pataas, o pababa. Hindi dapat mag-alala dahil karaniwan lang sa mga kargada ang ganito at hindi ito problema.
Pero kung may nararamdamang masakit dahil sa kurbadong penis, lalo na kapag nararamdaman ito kapag nakikipag-sex, ibang usapan na ‘yan, kailangang bigyan ito ng atensiyon at ikonsulta sa doctor.
Kapag na-arouse, dumadaloy ang dugo sa mga mala-sponge na space sa penis kaya lumalaki at tumitigas ito.
Nagkakaroon ng kurbadong penis kung hindi pantay-pantay ang pag-e-expand ng mga space sa penis.
Kadalasan, ito ay dahil sa pagkakaiba sa penis anatomy, pero minsan ang scar tissue o iba pang problema ang dahilan ng pagkurba ng penis.
Ang ibang sanhi ng pagkurba ng penis ay ang autoimmune disorder, namanang fibrous tissue (collagen) abnormality, injury sa penis Peyronie’s disease ( curved erection sanhi ng isang kondisyon) -ITUTULOY (Source: Mayo Clinic at WebMD)