Alarming ang pagtaas ng iba’t ibang sakit dulot ng lifestyle diet ng mga tao. Ang pagiging obese, diabetes, prostate at breast kanser ay inuugnay kung paano iniluluto ang mga pagkain.
Ang maling pag-iihaw, pagpiprito, at pagbi-bake ng pagkain ay nakasisira sa ating immune system, brain, at sirkulasyon ng katawan dahil sa mga nakalalason na nakukuha sa proseso ng pagluluto.
Kahit ang masarap, mabuti, at healthy na pagkain ay nagiging sanhi ng lason kapag naihanda ito ng hindi tama.
Ang pag-init ng pagkain na mas higit sa 150 degree Fahrenheit (70 C) ay pumapatay sa mapanganib na bacteria at nakababawas ng dahilan ng pagkakasakit ng indibidwal. Nasisira at nawawala naman ang sustansiya ng mga gulay at prutas kapag ito ay nasobrahan ng pagkakaluto.
Ang pang-unawa sa maling pagluluto ay pag-iwas din sa toxic na nakukuha sa proseso sa inihandang pagkain sa ating harapan.