Mahalaga ang positive at memorable impression ng isang business. Maging sa lahat ng transakyon at pakikipag-deal sa customer. Dapat magkaroon ng conscious effort sa bawat project dahil magmamarka kasi kung professional, maayos kausap, o ka-deal ang staff na humaharap sa tao. Maiiwan sa isipan ng ang maganda at positive na image ng serbisyong ibinibigay sa customer.
Hindi lang ang produkto ang dapat pasado sa standard, kundi maging kabuuang dating ng buong opisina, showroom, store, cleanliness, kasama na ang pagiging organize ng flow ng negosyo. Malaking impact kung professional ang dating ng lugar at space ng business.
Maging imaginative sa bawat detalye at gawing creative na maaliwalas ang furniture, apprearance, at gawing feel comfortable ang lahat ng papasok at dadating sa restaurant, store, shop, parlor, tindahan, o kahit anong business para balik-balikan ang negosyo dahil impressed ang customers sa serbisyo at professional image ng trabaho.