1-Ang kakulangan ng exercise at paninigarilyo ang ilan sa mga nangungunang dahilan ngayon ng kamatayan sa buong mundo, ayon sa mga pag-aaral. (source: news.bbc.co.uk)
2-Ang mga taong regular na kumakain ng almusal or hapunan sa restaurant ay doble ang tsansang maging tabatsoy. (discovermagazine.com)
3-Ang pag-utot ay nakakababa ng blood pressure sa mga may alta presyon. (news.bbc.co.uk)
4-Ang pagtawa ay katumbas ng 15 minutong pag-exercise sa stationary bicycle.(curiosity.com)
5-Ang pag-upo ng higit sa tatlong oras araw-araw ay nakakabawas ng 2 years life expectancy. (heartland.time.com)
6-Nakakabawas din ng life expectancy ang kakulangan sa tulog: 6 hours pababa. Ngunit masama rin naman kung higit sa 8 oras ang tulog. (medicalnewstoday.com)
7-Mga 11 minuto ng iyong buhay ang nababawas sa bawat piraso ng sigarilyong iyong nahithit. (news.bbc.co.uk) -Itutuloy