Parang sa mga pamilya ng payak na komunidad sa probinsya sa Pilipinas ang isa sa mga ginagawa ng mga taga-Tunisia bago kumain. Mayroon silang maliit na palanggana na may tubig na siyang pinagpapasahan para paghugasan ng kamay. Kung ikaw ay naimbitahan sa kanilang bahay para sa isang salu-salo, ang paghuhugas ng kamay ay isa sa mga “dapat”. Dahil malaking parte ng populasyon sa bansang Tunisia ay mga Muslim, malinis sila sa katawan hanggang sa hapag-kainan. Ang mga kalalakihan ay kadalasang hiwalay na kumakain sa mg babae rito. Mas mauunang kumain ang mga lalaki at huli ang mga babae. Dito pa lang, kitang-kita nang mas pinahahalagahaan ang mga kalalakihan kaysa sa kababaihan.
Kung ikaw ay isang bisita, huwag mauunang kumain hangga’t hindi pa nadadasalan ang nakahain. Parang dito rin sa atin, hindi plated ang pagkain nila kundi nasa isang lalagyan at kanya-kanyang kuha ng nais kainin.
Kailangan ang nakahain na malapit sa iyong harapan ang siyang pagkukunan mo lang ng kakainin. Maituturing na kabastusan kung ikaw ay kukuha sa mas malayo sa iyo at abutin ito.
Pagkatapos kumain ay iikot muli ang palangganang may tubig para naman paghugasan.