Island of the undead 150

MATAPOS maramdaman ni Miley ang mga mahihinang ihip ng hangin, napansin naman niyang nababawasan ang dilim sa chamber ni Reyna Coreana.

Tumingin siya uli sa paligid.

Napaatras siya, napuno ng takot.

“Oh, my God!”

Nakatunghay kasi sa kanya ang isang malaking imahe na yari sa batong maitim.

Isang tingin pa lang alam na niya kaagad na ito ang hari ng kasamaan na sinasamba ng undead na reyna.

Satanas. Demonyo. King of Darkness.

Ang mga mata nito ay pulang-pula at nakatitig kay Miley. Anumang oras ay para bang lalamunin siya.

Gusto nang tumakbo ni Miley palabas. Pero ang katapangan pa rin ang umiral sa magandang dalaga.

“Hindi. Walang mangyayari kapag natakot ako sa ‘yo. Kung ikaw ang pinanggalingan ng maitim na kapangyarihan ni Reyna Coreana, kailangang may magawa ako para matigil ang koneksiyon ninyong dalawa.”

Nag-isip si Miley.

Kanina, habang sinasambit ko ang salitang Diyos, umiihip ang sariwang hangin at lumiliwanag ang chamber. Ibig sabihin, dasal ang pwedeng panlaban dito.

At iyon ang gagawin ko.

Tumalikod si Miley sa imahe ng kasamaan. Lumuhod siya sa mabatong sahig. Naramdaman niya kaagad ang sakit sa kanyang mga tuhod.

Pero kaya niya itong tiisin. Hindi siya tatayo, lahat na sakripisyo sa pagdadasal ay gagawin niya.

“Our Father Who is in heaven. I honor your name. And your kingdom.Your will be done on earth. Give us this day our daily bread. And please forgive us our sins. As we forgive those who sinned against us. And lead us not into temptation. But deliver us from evil. Amen.”

“Hail Mary full of grace. The Lord is with you. Blessed you are among women and blessed is the fruit of your womb, Jesus. Holy Mary, mother of God,pray for us sinners, now and at the hour of our death. Amen.”

Paulit-ulit itong dinadasal ni Miley. Hindi siya nagbibilang. Buong puso. Puno ng tiwala.

Pero sa kampo nina Lorenz, nagigising na si Reyna Coreana. -     ITUTULOY

 

Show comments