Masyado nang commercialized ang Pasko ngayon sa buong mundo, kaya madalas ay hindi na nakapokus sa totoong diwa ng selebrasyon.
Hindi lang mga bata ang nagiging materialistic dahil ang bawat isa ay naghahangad na makatanggap ng regalo. Nadagdagan pa ang pag-asam ng bata sa pagdating ni Santa Clause na simbolo ng magbibigay ng laruan at regalo. Kaya madalas ay nakalimutan na ang totoong kahulugan ng kapaskuhan. Natatabunan na ng kumikislap na ilaw, masasarap na pagkain, masasayang piesta, inuman, sayawan, at nakalimutan na ang pagpapasalamat.
Nawa’y laging maalala ang mensahe ng Pasko, hindi lang tuwing Disyembre. Kundi manatili ang totoong kahulugan ng tradisyon sa bawat pamilya na minsan ay may sanggol na isinilang sa sanlibutan upang iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan.