Sang-ayon ang lahat na ang komunikasyon ay puwedeng makabuo o makasira sa isang relasyon. Kapag ang mag-asawa ay hindi nakakapag-usap pareho ng maayos ito ay nakararanas ng frustration, galit, at pagkadismaya.
May iba namang couple na masaya at maganda ang kumunikasyon kaya nakadarama ang mga ito ng fulfilling, intimacy, at kasiyahan sa kanilang buhay.
Paano nga ba matutunan ang epektibong komunikasyon sa isang relasyon para magkaroon ng maayos na union lalo na ang buhay may-asawa?
Timing – Maghanap ng oras ng asawa na kung saan siya responsive at pleasant ang kanyang mood. Puwedeng kausapin si husband o wifey ng pahinga nito na madalas ay araw ng Sabado ng umaga dahil tiyak na nakapahinga na ito sa kanyang workday pressure mula sa opisina.
Sitwasyon – Ang ideal ng pag-uusap ay yung stress free at malayo sa bahay kung saan ang tuon ng pag-iisip ay wala sa mga problema sa loob ng tahanan. Lalo na kung gusto mo siyang tanungin na magkaroon kayo ng weekend trip o overnight sa maganda at malayong lugar.
Manner – Mahalaga sa pag-uusap ay kung paano ito sasabihin na paraan na hindi personal attack ang dating sa asawa. Piliin ang mga salita o sasabihin na maaaring maka-trigger ng inis at galit sa kausap. Puwedeng malumanay at palambing na paraan na mas effective na pagkakataon na maipahayag ang gusto sabihin ng iyong damdamin.