Island of the undead (149)

NAGHIHINTAY si Miley nang sagot o paramdam mula sa Diyos. Kung paano niya kakalabanin ang kapangyarihan ni Reyna Coreana.

Nakikita niya ang paligid ng lungga ni Reyna Coreana, lahat na kapangitan at karumihan ay naroroon.

“Hindi nga mamamahay dito ang kabutihan. Kasamaan lamang ang naririto. Pero may kapangyarihan ang kasamaan samantalang hindi ko alam kung paano ito lalabanan.”

“Diyos ko, paano nga ba? Diyos ko, tulungan n’yo ako. Kayo na lang ang pag-asa ko, Diyos ko. Please po, Diyos ko ....”

Naramdaman ni Miley ang bugso ng hanging mahina.

Nagulat siya.

Paanong nagkaroon ng hangin sa isang lugar na kulob, napakainit at madilim?

Ang naalala niya, panay ang pagbanggit niya ng salitang Diyos.

Susubukan niyang sabihin uli ang salitang Diyos.

“Diyos kop o, Diyos kop o, naririnig n’yo po ba ako?”

At humangin uli nang mahina.

Napangiti at naluha si Miley.

“Alam ko na! Kahit sa lugar na ito, pupunta ang spirit ni God, kapag tinatawag ko!”

HINDI mapalagay si Lorenz.

“Kumusta na kaya si Miley? Baka kung ano na ang nangyayari sa kanya? Ano kaya, balikan ko ...”
    “Nasa iyo ‘yan, Lorenz. Pero ... itong natutulog pang si Reyna Coreana, talaga kayang hindi na ‘yan makakawala sa pagkakatali natin? Paano kung gagamitan niya tayo ng kapangyarihan?”

Napatingin si Lorenz sa nahihimbing pa ring masamang reyna. Malaking lubid na paulit-ulit na nakapulupot sa buong katawan nito ang pipigil ng kahit konting pagkilos man lang.

Sa tingin, hindi na nga ito makakawala pa. Pero tama naman ang pag-aalala ng kasamahan niya. May maitim na kapangyarihan si Reyna Coreana.

Kaya napakahirap makasiguro.

“Sige, hindi ko muna kayo iiwan. I hope okay lang si Miley doon. Paano ko kayo iiwan kung hindi pa nga natin alam kung ano ang mangyayari kapag nagising si Reyna Coreana?”  Itutuloy

Show comments