Masarap ang bumisita sa bansang Dominican Republic. Halos tratuhin kasi nilang mga hari at reyna ang mga taong bumibisita sa kanila. Tulad ng mga Pinoy, ang mga taga-Dominican Republic ay kilala sa kanilang pagiging hospitable.
Kung may bisita silang dumarating, literal na gumigilid sila sa daan para magbigay pugay at i-welcome ang mga ito. Hindi sila maramot sa mga bisita nila lalo na kung mga galing sa ibang bansa. Todo-asikaso sila sa mga ito kesehodang magmukha silang mga alipin. Iniisip nila kung paano masa-satisfy ang kanilang mga bisita.
Isa pang katangian ng mga taga-Domican Republic ay ang pagiging fashionista. Napakaimportante kasi sa kanilang society ang pagiging maayos ang hitsura. Naniniwala sila na nakikita sa pananamit ang status mo sa society. Mas maganda ang iyong pananamit, ay mas maganda ang iyong tinatamasang buhay.
Ang mga designer labels mula sa Amerika ang kadalasan nilang tinitingala.