Sa Piling ng Ibang Pamilya

Disyembre na naman at ilang araw na lang malapit na ang araw ng Pasko.

Paskong ilang beses na nangyari na wala sa piling ng pamilya. Ilang beses na nga bang Pasko na ang kapiling ay ang ibang tao na iyong pinagsisilbihan.  Habang iniisip ang iniwang pamilya, mga anak, at kabiyak na nalulumbay at nananabik sa presensya at nagdiriwang ng malungkot na Pasko na wala ka sa kanilang piling.

Walang magagawa kundi ang maiyak na lang sa lungkot at itago ito sa pagkukuwaring ngiti sayong mga labi. Ang makapagpadala ka na lang ng mga mumunting bagay na mapagtatakpan sa kanilang kalungkutan ang siyang magagawa. Masakit ang malayo sa kanila sa napakaimportanteng araw tulad ng PASKO para sa isang pamilya, ngunit nagagawa mo itong tiisin para lamang makaahon sa kahirapan at mabigyan ng magandang kinabukasan ang iyong mga anak.

Show comments