Maingay na wood flooring pulbos lang ang katapat
Iba’t iba ang klase ng wood parquet na flooring. May maliliit, at may malalaki ang disenyo. Kadalasang ang mga malalaking cut ng kahoy ang nagkakaproblema sa paglipas ng panahon. ‘Yung tipong pang country style na wood flooring.
Isa sa mga nagiging problema nito ay ang pagluwag ng ibang kahoy na nagdudulot ng ingay ‘pag natatapakan. Pero hindi rin basta-basta ang magpa-repair ng ganitong flooring. Matagal na proseso rin ang kinakaila-ngan bukod sa magastos pa kung ito’y kailangang baklasin at ikabit uli.
Pero ‘wag mag-alala, para sa pansamantalang solusyon sa maingay na wood flooring, maaaraing gumamit ng talcum powder. Magbudbod lamang ng talcum powder sa maingay na parte ng wood flooring at walisin ito sa mga awang. Punasan ang excess na talcum poweder at pakin-tabin ang sahig gamit ang floor wax.
Tapos na ang problema ng maingay na wood flooring. Hindi na rin nakakahiya sa mga bisita na aakalaing nasa “haunted house” sila ‘pag naglalakad.
Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto ay maraming paraan!
- Latest