Ang mansanas ay isa sa superfruits kung tawagin. Ang balat pa lang kasi ng mansanas na kulay pula o green ay mayaman na sa fiber na may quercetin. Isang klase ng antioxidant at antihistamine na anti-flammatory power. Panlaban sa sakit sa puso o iba pang allergic reaction. Ang taong kumakain ng 5 apples o higit pa sa isang linggo ay mas may magandang function ang kanilang baga. Kaya ugaliing magbaon o isingit sa bag ang isang pirasong mansanas.