^

Para Malibang

Paningin ng Lipunan

Pang-masa

“Naranasan ko ang ma­tinding lungkot dahil sa sukat ng katawan at bigat sa timbang. Sa tingin at laging bukang-bibig ng mga taong nasa paligid ko ay ang taba ko na at ang sagwa ng hitsura ko. Nakaririndi sa totoo lang.

Pero naniwala ako at nakinig ako sa kanila. Ayaw ko sa ganitong katawan.

Dito na ako nag-um­pisang gutumin ang sarili. Dumarating ang gabi na ‘di na ako kumakain.

Bakit mas lumaki ako? Ginawa kong kumain ng tama at mag-exercise. Duon ako pumayat. Tumigil ang mga panga­ngantyaw.

Akala n’yo ba sumaya ako dahil pinansin ko ang opinyon ng iba? Natakot ako at tumamlay sa pagkain at pananamit. Hindi matanggal sa isip na ‘pag kumain ay baka tumaba ulit. Hindi na magkakasya ang mga damit. Ang pangit! Ito ang sinalaysay ni Alex, nagdadalagang disisais anyos.

Sa panahon ngayon, ang pagiging mataba o kahit konting lapad ay masagwa. Insulto ang pagiging malusog. Mas lalo na sa mga kababaihan kaya nagpapa­kagutom para maging katanggap-tanggap sa paningin ng lipunan. Mga modelong babe ay hinihimatay dahil ‘di halos kumakain para lang makapaghanapbuhay. Payat lang kasi ang kinukuhang modelo. Nagpapakita sa publiko na ang kanais-nais lang ay payat.

Hindi dapat ganito. Iba’t iba ang komposisyon at kumpleksyon ng katawan ng tao. May mga ipina­nganak na big bones. Hindi dapat ikinukumpara ang sarili sa iba. Dapat makontento at magpasalamat sa kung ano ka.

Sinabi ng Bibliya, “Mangagkasiya kayo kung ano ang ipinagkaloob sa inyo....” -Hebreo 13:5.

-Alexandra Beatriz  Miguel, 16, Holy Word Academy

 

ACIRC

AKO

ALEX

ALEXANDRA BEATRIZ

ANG

AYAW

BAKIT

BIBLIYA

DAPAT

DITO

HOLY WORD ACADEMY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with