FYI
Marami na ngayon ang napapabilang sa pagiging obese dahil bukod sa rami ng kinakain ay wala pa sa oras ang eating time. Ano ba ang best time para lumantak ng pagkain na hindi lumalaki ang ating tiyan at nadadagdagan ang timbang? Sa umaga ang ideal time ay mula 7-8 a.m. Hanggang maaari ay huwag mag-aalmusal ng 10 ng umaga. Kailangan kumain pagkatapos ng 30 minuto pagkagising. Ang ideal na oras naman sa lunch time ay 12:30-2 p.m. Huwag kakain ng lunch ng 4 p.m. dahil sa nalipasan na ng gutom ay masama pa ito sa kalusugan. Tandaan din na ang ideal na pagkain sa pagitan ng agahan at tanghalian ay apat na oras. Sa hapunan naman ay 6 p.m. – 9 p.m. Ang dinner time ay dapat tatlong oras bago matulog para natunaw muna ang mga kinain bago humilata sa pagpapahinga sa gabi.
- Latest