Tumaas ang pamantayan ng pamumuhay ng mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Napalitan ng tahanang kahoy, kongkreto, at galbanisado ang mga bahay na yari sa kawayan at pawid. Maraming bahay din ang nagkaroon ng ponograpo, radyo, at iba pang kagamitan. Nagpatayo ng mga bagong tahanan ang karaniwang mamamayan ay nakapamili ng mga bagong kasangkapan.