Paliwanag Tungkol sa mga Pamahiin
Pamahiin: Bad luck dumaan sa ilalim ng hagdan.
Paliwanag: Nagmula ang pamahiing ito sa ancient Egypt. Ang pyramid ay libingan ng mga Pharaoh. Para hindi pasukin ng magnanakaw, pinakalat ng mga otoridad na mamalasin ang sinumang magtangkang pumasok sa pyramid. Nang may pumasok na isang matigas ang ulo, ito ay namatay. Ang hindi alam ng mga sinaunang Egyptians, kaya namamatay ang pumapasok sa pyramid ay dahil sa bacteria at radiation.
Ang hagdan ay nagkakaroon ng triangle illusion kapag nakasandal sa pader, parang korteng pyramid, kaya mamalasin ang sinumang dumaan.
Pamahiin: Ang pagsasabit ng horseshoe sa pintuan ng bahay ay nagdudulot ng magandang kapalaran.
Paliwanag: Ang mga mangkukulam ay takot sa kabayo o anumang may kinalaman sa kabayo, kagaya ng horseshoe. Hindi sila nakakapasok sa bahay at hindi magawan ng kasamaan ang mga taong naninirahan sa bahay na may nakasabit na horseshoe.
- Latest