Sa sobrang busy natin sa pang-araw-araw, nakakalimutan na natin ang importansya ng pag-aalaga sa ating mga mukha.
Kawalan ng budget at oras para magpunta sa spa/derma ang siyang humahadlang sa atin para ma-achieve ang fair and flawless skin.
Kaya naman ibabahagi ko sa inyo kung paano ito maa-achieve sa presyong abot-kaya sa inyong home sweetie home!
Para sa unang face mask, kailangan lang ng:
Isang tasang tsaa, dalawang kutsara ng rice flour, at isang kutsara ng honey.
Paghalu-haluin lang ito at ilapat sa mukha ng 20 minutes, ‘wag maiinip.
Ang pangalawang recipe naman ng facemask at kailangan lang ng:
Dalawang kutsarang oatmeal na luto na at isang kutsara ng lemon/calamansi juice.
Paghaluin lang ulit at ilagay sa mukha habang minamasahe. Gawin ito ng isa hanggang dalawang beses sa isang linggo.
Tadaaah! Fresh ka na, nabawasan pa ang appearance ng iyong pores!