“Tama naaa!” Gigil na sigaw ni Reyna Miley kay Blizzard.
“Ayaw mo kasing maniwala na nabubulok ka sa loob, e.”
PAK.
Ang lakas ng sampal ni Reyna Miley kay Blizzard.
“Ang ibig ko lang namang sabihin, mahal na reyna, gawan mo ‘yan ng paraan. Dapat ay mawawala ‘yang kabulukan na ‘yan. Bakit kaya noong mga nakaraang araw, hindi pa naman ganyan kabaho ang hininga mo?”
Hindi na naman makasagot si Reyna Miley.
Pero alam niya ang sagot sa tanong ni Blizzard.
Alam niya na habang tumatagal ang kagandahang hindi kanya ay titindi ang kabulukan sa loob ng kanyang katawan.
Dahil hindi ito nakikita kaya sumisingaw. Noong halos bulok at puro bungo na lamang ang kanyang katawan, labas ang lahat niyang kapangitan.
Kaya walang naiipit o naiipong kapangitan at baho sa loob.
Ngayon na nababalutan siya ng kagandahan, ang kaloob-looban naman niya ang naaapektuhan.
“Ah, gano’n? Gusto mo gawan ko ito ng paraan, ha?”
“Oo, mahal na reyna. Kailangan. Dahil paano ba kita mahahalikan niyan?”
Naningkit na naman sa inis si Reyna Miley. “Kanina pa kita gustong patayin, Blizzard ... pero hindi na muna. Alam ko na ang ipapagawa ko sa ‘yo. Na kailangang gawin mo dahil kung hindi ... itutuloy ko na ang pagpatay sa iyo. Sa paraang napakalupit. Paunti-unti kitang susunugin ... ililitson ... tapos itatambak muna kita sa tabi hanggang sa ikaw naman ang mangangamoy. At ipapatapon kita sa dagat. Mangangamoy ang buong dagat, walang isda o lamang-dagat na kakain sa iyo sa tindi ng kabahuan mo. Ang mga kasama mong tao na ngayon ay nakikipaglaban sa mga higante kong sundalo ay mamamatay sa amoy ng buong karagatan sanhi ng kabahuan mo! Ngayon ... ito ang gagawin mo para maiwasan mo ang ganyang klaseng kamatayan ... pansamantala ...
“Halikan mo ako! Lips to lips. Very torrid. Iyung buong bibig mo ay halos ipapasok mo sa bibig ko! Iyan lang, Blizzard ... ang makakapagligtas sa buhay mo ngayon!”
Natulala si Blizzard.
Ini-imagine pa lamang ang gagawin ...
Hinimatay na ito.
“Uuuunggghhh....” Bagsak si Blizzard sa lupa, walang ulirat. Itutuloy