Tama naman na kapag nagsimula ng sariling negosyo ay mawawalan ng stable na income at wala ring matatanggap na taunang bonus na karaniwang ibinibigay sa isang empleyadong namamasukan sa kompanya.
Sa kabilang banda, ang kikitain naman sa sariling negosyo ay hindi malilimitahan ang pagpasok ng pera sa iyong bulsa. Magkakaroon pa ng sariling oras at hindi kailangang manatili lang hanggang matapos ang walong oras sa opisina. Dahil alam mong hindi dapat nagsasayang ng oras, kaya gagamitin ang bawat minuto sa mas epektibo at kapaki-pakinabang na paraan.
Hindi rin kailangan magpaalam sa gustong gawin o pagbabago sa trabaho sa sariling business.
Kapag kailangan ng katuwang sa negosyo, lagi kang maghahanap ng taong makadadagdag sa iyong abilidad at kaalaman. Hindi tulad ng regular nang namamasukan na napapaligiran ng mga taong matagumpay na sa kani-kanilang field of expertise. Siguraduhin lang na laging excited pumasok sa trabaho ang iyong empleyado at tauhan na may ngiti sa kanilang mukha.