^

Para Malibang

Bakit nauubusan ng pagkain ang bunso sa Bangladesh?

Pang-masa

Ang bansang Bangladesh ay isang hierarchical society. Ibig sabihin, ang mga matatanda at may “kapangyarihan” ang siyang mas binibigyan nila ng respeto at kahalagahan. Kinukunsidera nilang mas matatalino ang mga ma­tatanda dahil sa kanilang mga pinagdaanan na sa buhay.

Maging sa hapag-kainan ay ganito pa rin ang sinusunod. Kung ang isang bisita ay naimbitahan sa isang Bangla­deshi home, mas uunahin silang bigyan ng pagkain. Susunod na rito ang mga nakatatanda sa pamilya hanggang sa pinakabata.

Pero ‘wag mauunang kumain hangga’t hindi nagsisimula ang pinakamatanda sa hapag-kainan. Matuto dapat makiramdam bilang paggalang sa kanilang nakaugalian.

Karaniwan namang nakakamay sila kung kumain pero hindi kabastusan kung manghihingi ng kubyertos.

Tulad ng ibang mga bansang Muslim, hindi rin nila kinukunsiderang malinis ang kaliwang kamay. Kaya kanang kamay lang ang gamitin sa pagkain at pag-inom maging sa pag-abot at pagpasa ng pagkain.

ACIRC

ANG

BANGLA

IBIG

KARANIWAN

KAYA

KINUKUNSIDERA

MATUTO

PERO

SUSUNOD

TULAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with