Sa bawat holiday ay pinagsasama-sama ang mga magkakaibigan at pamilya lalo na ngayong nalalapit na kapaskuhan. Pero ang joyful season din ay nagdadala ng mga panganib sa ating tahanan kapag hindi tayo nag-ingat. May mga tips para gawing ligtas ang darating na holiday season:
Alcohol – Ang ethyl alcohol ay karaniwan sa isa sa toxic ingredient na kasama sa inihahanda sa holiday na inumin tulad ng cocktails drinks, beer, at iba pa. Ang alak din ay matatagpuan sa mga regalo tulad ng pabango at cologne. Huwag iiwan ang hindi naubos na beer sa sahig o kahit sa lamesa na puwedeng maabot ng bata. Sa liit ng bata ay maaaring makalason kapag napadami ang inom ng bagets sa alak, kumpara sa mga nakatatanda. Dalhin agad ang bata sa doctor o ospital kapag hindi nakontrol ang pagkalason sa nainom na alak ng anak. Siguraduhin din ang pag-inom ng alcohol ay hindi bawal sa prescription na gamot na iniinom. Ugaliin ding huwag iinom ng alak kung magmamaneho.
Dekorasyon – Ang mga ginagamit na dekorasyon tulad ng angel na sinasabit sa Christmas tree ay nalalagas ng balahibo na nagdudulot ng pag-atake ng taong may asthma o hika. May mga ingredients ding chemical sa ibang dekorasyon na maaring malanghap o maamoy ng mga kasama sa bahay. Siguraduhing nahugasan muna ang mga lumang dekorasyon o safe ito mula sa pinagbilhan. Hanggang maaari ay bumili ng mga pangdekorasyon na non-toxic. Maging ang mga scent, plastic, kahoy, bagay na may pintura at ilan pang coloring object na isinasabit sa Christmas Tree ay alamin kung ang chemicals na ginamit ay ligtas sa kalusugan ng pamilya.
Christmas Lights - Siguraduhing walang sira o basag ang ikakabit na pailaw o bumbilya sa inyong bahay na maaaring maisubo ng mga maliit na bata na kasama sa bahay. Hindi lang mga ilaw o bumbilya ang naglalaman ng liquid chemical, kundi maging ang dry paint coloring sa magagandang kumikislap ng mga pailaw. (LM)