Hindi lahat ng entrepreneur ay pareho ang pananaw sa buhay dahil magkakaiba ito ng mga pinanggalingang pamilya, pagpapalaki, at maging ng edukasyon. Pero may iisa silang layunin pagdating sa pagiging determinado na palaguin ang kanilang negosyo.
Malinaw sa isipan ng isang entrepreneur ang goal na kanyang haharapin tulad ng palakihin ang sales, mag-hire ng bagong empleyado sa hinihinging requirement na isa sa mga dahilan para magtagumpay ang business.
Ang uri ng workload at hamon ay sapat na para tumigil ang isang tao na tuparin ang kanyang pangarap. Pero sa puso at isipan ng isang entrepreneur bagama’t sugatan, talunan, at lugi minsan ay patuloy pa rin itong babangon at determinadong hanapin at anihin ang pagpapagal sa gitna ng pressure ng trabaho.