^

Para Malibang

Tubig-Niyog sa Kutis at Buhok

ABH - Pang-masa

Ang tubig ng buko ay ating iniinom pero itinatapon lang natin ang tubig ng niyog. Next time, kapag nagbiyak kayo ng niyog para panggata, huwag ninyong itatapon ang tubig nito dahil marami itong gamit sa pagpapaganda.

1-Sa halip na tubig, ang ipanghilamos sa mukha ay tubig ng niyog. Dapat ay fresh from the shell at ingatang huwag madumihan. Pinipigilan nito ang pagkakaroon ng blackheads, tagihawat at blemishes.

2-Para matanggal ang panunuyo at maging mamula-mula ang balat, dampian ng tubig-niyog araw-araw ang mukha matapos itong linisin. Sabayan ito ng pag-inom ng buko juice.  Mainam din itong panlunas sa oily skin at pantanggal ng hapdi sa sunburn.

3-Imasahe ang tubig-niyog sa anit upang tumigil ang panlulugon ng buhok. Nagpapaganda ito ng blood circulation sa anit kaya magiging matibay na ang kapit ng ugat ng buhok.

4-May powerful hydrating properties ang tubig-niyog kaya nagsisilbing natural conditioner. Kapag iminasahe araw-araw sa anit, ang buhok ay kikintab, lalambot at matatanggal ang pagi­ging buhaghag. Mayroon din itong anti-fungal at anti-bacterial properties kaya pipigilan nito ang pagkakaroon ng balakubak at pangangati ng anit.

ACIRC

ANG

DAPAT

IMASAHE

KAPAG

MAINAM

MAYROON

NAGPAPAGANDA

NIYOG

STRONG

TUBIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with