Pinakaunang ketchup hindi gawa sa kamatis!

Tomato ketchup ang isa sa mga paboritong sawsawan pagdating sa mga pinr itong isda, karne o kahit gulay (french fries)! Bukod sa maasim-asim ay may kaunting tamis pa ito.

Pero alam n’yo ba na ang kauna-unahang ketchup ay hindi gawa sa Amerika at lalong hindi gawa sa kamatis? Magugulat kayo na gawa ito sa laman-loob ng mga isda.

Noong 16th century unang natikman ng British settlers sa Fuji ang sauce na ginagamit ng mga Chinese na kung tawagin ay “ke-tchup”. Ang pinakaunang recipe nito ay naitala taong 544 A.D. kung saan gawa ito sa pinaghalu-halong laman-loob ng yellow fish, banak (mullet), at pating. Pagkatapos hugasan nang mabuti ang mga laman-loob, pinaghahalu-halo ito, lalagyan ng asin, at inilalagay sa isang jar. Tatakpan nang mahigpit at saka ibibilad sa arawan. Ang sawsawang ito ay maaari nang gamitin matapos ang 20 araw tuwing summer, 40 araw ‘pag spring o fall, at 100 araw kung winter ito gagawin.

Kaya kung tutuusin, ang pinakaunang ketchup ay hindi tulad ng condiment na ginagamit natin ngayon sa mga burger o pizza! Bongga ‘di ba?

Pero naging simple ito nang palitan ang mga laman-loob ng dilis na lang. Na kung tutuusin ay katumbas na ng bagoong natin ngayon.

Nang subukan naman itong gayahin ng British traders na nakatikim inisip nila na dapat ay babagay ito sa lasa ng beer. Kaya naman tinanggal ang dilis sa recipe at pinalitan ng walnut ketchup at mushroom ketchup na malapit ang lasa sa Worcestershire sauce.

Hanggang sa pinag-eksperimentuhan ito at gamitin na nga ang kamatis na main ingerdient ng tinaguriang isa sa mga paboritong condiment sa buong mundo. Burp!

Reference: http://www.fastcodesign.com

Show comments