Personal na gamit na ‘di dapat i-share

Tumataas ang bilang ng taong may allergy sa balat dahil pagsi-share ng mga personal na gamit sa ibang tao at maging sa ating pamilya. Ang infection sa balat ay puwedeng maiwasan kung lilimitahan din ang pagsalu-salo ng gamit sa ibang indibiduwal. Narito ang ilang suheston tungkol sa personal hygiene:

Makeup – Itabi ang mascara wand at lipstick  para sa personal na gamit lang. Kahit water base pa ang mga cosmetics na may preservatives laban para patayin ang bacteria. Pero tiyak magkakaroon din ng irritation kapag nahawa sa iba na na-swipe ang makeup sa kaibigan.

Razor – Kapag nag-ahit hindi maiiwasan na magkasugat at kapag lumabas ang dugo sa maliit na pores ng balat, kakalat din ang virus at bacteria na maisasalin mula sa ibang tao.

Earphones – Masayang maki-jamming ka-share ng earphones sa katabi, pero sa pag-aaral, ang bacteria o ear infection ay puwede makuha mula sa headphones na ginamit ng iba.

Hikaw – Minsan ang pagsuot o pagtusok ng hikaw sa tainga ay ‘di maiwasan magkasugat at labasan din ng dugo. Malaking risk ito lalo na kung hindi nalilinis ang alahas na ginamit kahit ng kasama pa sa bahay o ng close friends.

 

Show comments