Kakaibang ‘Birth Customs’

1-Naniniwala ang mga taga-Bali Indonesia na may espiritu ang inunan. Ito ang magsisilbing guardian angel ng sanggol. Inililibing nila sa espesyal na sementeryo ang inunan. Isa pang kaugalian nila ay hindi pinatatapak sa lupa ang sanggol mula sa pagsilang hanggang sa kanyang ikatlong buwan.

2-Sa Guatemala kung saan napakainit ng klima, inilulublob nila sa malamig na tubig ang sanggol upang hindi sila tubuan ng bungang araw o anumang skin diseases dulot ng pamamawis. Tingnan ang larawan.

3-Ang mga bagong kasal sa Ireland ay nagtitira ng kapirasong wedding cake at whiskey para gamitin sa binyagan ng kanilang panganay. Ang crumbs ng cake ay isinasabog sa ulo ng baby sa araw ng kanyang binyag. Ang whiskey naman ay iwiniwisik sa ulo. Ginagawa ito upang makamit ng baby ang good luck.

4-Ang Igbo tribe ng Nigeria ay kumukuha ng taong magaling na public speaker. Hangga’t maaari ay isang kamag-anak. Ngunguya ito ng alligator pepper (West African spice) at idudura sa kamay at daliri ng bagong silang na sanggol. Ang sariling daliri ay isusubo sa mismong bibig ng sanggol, para paglaki niya, magiging mahusay rin siyang public speaker.

 

Show comments