Maraming nagalit na rebolusyunaryo at nawalan ng sigla sa pagkamatay ni Andres Bonifacio. Hindi nagtagal ay bumagsak ang Kilusan sa Cavite. Taong 1897 ng buwan ng Hulyo, inilipat kay Emilio Aguinaldo ang punong-himpilan ng mga rebolusyunaryo sa Biyak na Bato, San Miguel, Bulacan. Itinatag ang pansamantalang pamahalaan ng Pilipinas. Nagpalabas si Aguinaldo ng mga proklamasyon. Isinulat ni Aguinaldo ang Saligang Batas na binigyang diin ang paghihiwalay ng Pilipinas sa Espanya, ang mga karapatan para sa mga Pilipino, at ang pagtatag ng republika ng Pilipinas.