Christmas countdown
Hindi na mapipigilan ang countdown ng mga tao, lalo na ng mga bata sa paparating na Kapaskuhan. Ano ba ang gusto o planong gawin ngayong nalalapit na Christmas celebration? Siyempre mas maraming oras, mas masaya, at less stress? May steps para sa paghahanda sa darating na holiday celebration na hinihintay ng lahat:
Plano – Mas magiging kalmado kung malayo pa lang ay nakalista ang dapat gagawin para maging organized ang gustong mangyari sa darating na selebrasyon. Nakababawas ng stress kung may susundan kang pattern at goal, para hindi maaligaga o mag-panic dahil hindi namamalayan wala ka ng time para mamili o mag-shopping.
Checklists – Isulat na ang mga pangalan ng reregaluhan pati na ang edad, gender, at items na gustong ibigay tulad ng puwedeng libro, office stuff, pang kusina, o gustong items na pang –sentimental value effect. Isaalang-alang din higit sa lahat ang iyong budget sa pamimili ng gustong panregalo.
Selebrasyon – Ngayong taon, alamin kung saan magdaraos ng selebrasyon ang pamilya o reunion na dadaluhan. Kung ang nakagawian ay sa sariling bahay mas maaga ay mag-isip na rin ng planong pagkaing pagsasaluhan ng buong mag-anak, kaibigan, at bisita. Puwedeng mag-isip din ng ibang idea kumpara sa tradisyunal na ginagawa ng pamilya kumpara sa nakalipas na selebrasyon.
- Latest