1-Hindi kaagad matatanggal ang lipstick sa lips kung papahiran muna ito ng foundation bago aplayan ng lipstick.
2-Painitin muna sandali ng hair dryer ang eyelash curler bago gamitin upang maging matibay ang “curl” ng eyelashes.
3-Dampian ng Visine ang acne upang mawala ang pamumula.
4-Upang mabawasan ang sobrang pamumula ng mukha pagkatapos ng exercise: Bago mag-exercise ay ilagay sa freezer ang tuyong towel para kung gagamitin ay malamig na ito. Ang ice cold towel ang ipatong sa batok ng 2 minutes at unti-unting babalik sa normal ang kulay ng mukha.
5-Kung naubusan ng mascara, puwedeng ihalili ang Vaseline petroleum jelly.
6-Ang pea-sized amount na baby oil ay ikalat sa palad at ito ang ipahid nang dahan-dahan sa buhok upang maging shiny ito.
7-Bago tasahan (to sharpen) ang eye pencil or eyeliner, ilagay muna ito sa freezer ng 10 to 15 minutes upang hindi madurog ang eyeliner habang tinatasahan.
8-Bago matulog, dampian ng toothpaste ang acne upang mabawasan ang pamamaga at pamumula.
9-Upang kuminis ang legs, pahiran ito ng dinurog na avocado at hayaan ng 15 minutes. Magsisilbing natural moisturizer ang oil mula sa avocado.
10-Pahiran ng kaunting pink lip gloss ang “apples” ng iyong cheeks upang lumikha ito ng ilusyon na naggo-glow ang iyong mga pisngi.