Alipin ka ba ng Cell phone?

Lahat ay aminadong dependent sa paggamit ng cell phone. Lagi itong sukbit sa lahat ng oras.  Tinitingnan kasi maya’t maya kung may bagong text messages. Pero paano  malalaman kung unhealthy na ito sa isang indibiduwal at adik na sa cell phone?

Ang cell phone ang sinasabing over used mula sa pagkuha ng update ng mga balita sa local o foreign man. Partikular na sa mga kabataan at maging sa mga nakatatanda.

Tumataas ang alarma mula sa texts na natatanggap o ipinadadala araw-araw. Nagagamit din ito bilang  sexting at kahit saang lugar na puwedeng gamitin ang phones. Ano nga ba ang katergorya kung adik ka na o normal lang sa isang tao ang paggamit ng cell phone. 

Ayon sa maraming pag-aaral,  may pamantayan din ang gamit ng CP sa buhay ng tao; pero kapag lumampas na sa standard ay alipin ka na nito:

Attachment – Tsinitsek agad ang CP paggising sa umaga kung may  text o missed call.  Feeling na hindi  mapakali kapag hindi na-check ang CP, kahit saglit lang o sa maghapon. Nangangating tingnan kahit nasa loob ng simbahan, classroom, nagtatrabaho, nagmamaneho, sa oras ng kainan kasama ang pamilya o kaibigan. Puwede naman kasi i-delay saglit ang paggamit ng CP. Kaso kapag apektado na ang performance sa school o anumang activities na nawawala ang iyong atensiyon, addicted ka na sa CP mo.

Priority – Sa pag-aaral, hindi lang kabataan ngayon ay sinasamantala ang paggamit ng CP sa maling gamit.  Lalo na’t maraming libreng apps ang puwedeng i-download. Pero dahil sa mas maraming oras ang naigugugol sa pagtutok ng CP, nawawala na sa priority sa dapat gawin. Kaysa sa mas maraming mahalagang bagay, na puwede namang ipaghintay ang paghawak sa CP, pero mas inuuna pa ang pakikipag-text o pagsilip sa CP; nauubos na ang oras na hindi namamalayan at tuloy wala ka nang natatapos.

Malaki ang tulong ng CP sa ating buhay, pero hindi ito dapat ipinagpapalit sa mas mahalagang oras sa pamilya, kainan, time upang mag-aral,  sa pagtatrabaho, kapag ikaw nasa loob ng simbahan nang hindi ma-distract sa pakikinig ng mensahe tuwing Linggo.

Show comments