Kababaihan walang laban sa mga kalalakihan sa Mexico

Kahit sabihin pang pantay ang karapatan na nakukuha ng mga kala­lakihan at kababaihan sa bansang Mexico, kitang-kita pa rin na mas maraming pribilehiyong nakukuha ng mga lalaki rito. Karaniwang tungkulin ng mga kababaihan ang pag-aalaga ng pamilya, ganun din ang pagyabong ng relihiyon.

Kahit nakapagtatrabaho rin naman ang mga kababaihan dito hindi sila masyadong nakakukuha ng magandang posisyon na nagreresulta ng mas maliit na sahod.

Mas pinahahalagahan din ang edukasyon sa mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan. Mas nakapagtatapos ng magandang kurso ang mga lalaking anak kaysa sa mga babae. Prio­rity ang mga lalaki sa pamilya pagdating sa larangan ng edukasyon.

Ang basehan nila sa ganitong paniniwala ay dapat maging “macho” ang mga lalaki at “feminine” ang mga babae.

Normal na masasabi sa bansang Mexico na ang pagiging macho ay nauugnay sa karahasan, kapangyarihan, pagi­ging agresibo, at sexual assertiveness. Kaya naman nagdurusa talaga ang mga kababaihan dito maging kung ito’y magiging ina na.

Show comments