Iwasang gawin ang mga sumusunod dahil ayon sa paniwala ng matatanda, ito raw ay nagpapaikli ng buhay. Ito ay koleksiyon ng mga pamahiin mula sa iba’t ibang panig ng mundo:
11-Pagdidispley ng sariwang bulaklak sa bedroom.
12-Pagsasabit ng litrato nang pabaliktad, kahit pa ito ay isang biruan.
13-Kapag nalaglag ang litratong nakasabit, huwag itong dadamputin kaagad. Palipasin muna ang maghapon. Saka damputin.
14-Paglipat sa bahay na hindi pa tapos.
15-Sa mga mananahi: Ang damit na tinabas (cut out) sa araw ng Biyernes ay dapat na tapusing tahiin sa araw din iyon. Masama ang epekto kung ipagpapabukas pa.
16-Pagtahi ng bagong damit sa pagitan ng mga araw ng Pasko at Bagong Taon.
17-Mas mauuna kang magsuot ng bagong damit na hindi naman sa iyo. ‘Yun bang ipapahiram agad ng kapatid mo o kaibigan ang kanyang bagong biling damit.
18-Pagtahi ng sariling wedding gown.
19-Paglalakad nang iisa ang sapatos na suot.
20-Pagsisilbi ng pagkain sa 13 tao sa iisang dining table. Itutuloy