^

Para Malibang

Ang mga dapat at ‘di dapat sa pag-akyat

Pang-masa

Ang pag-akyat ng bundok ay hindi basta-basta, may mga kaila­ngan dapat  isaalang-alang gaya ng pagpapalakas ng katawan, tamang pag-aaral sa pupuntahan, pakikisama, at higit sa lahat, ang tamang kaalaman at pagsunod sa mga patakaran.

Bawat bundok sa ‘Pinas ay may rules na kaiba sa ilan, halimbawa riyan ang pagpresenta ng medical certificate bago umakyat ng Mt. Pulag sa Benguet at ang pagbabawal ng pamamasyal, pag-akyat, o lakbay-aral sa Maranat kung walang pahintulot o permiso mula sa DENR at MWSS.

Ngunit sadya atang pasaway ang mga Pilipino kung kaya’t marami pa rin ang nakalulusot sa mga patakarang ito.

Heto ang ilan sa mga prinsipyo na dapat ninyong malaman ayon sa LNT (Leave No Trace):

Magplano ng mabuti at maging handa, alamin ang mga regulations ng area na iyong pupuntahan. Alamin ang panahon, at kung maaari ay pumunta ng mas maliit na grupo lamang.

Mag-camp sa matitigas na bahagi ng bundok kung saan walang vegetation (mga halaman) at dapat ay malayo sa yamang-tubig upang hindi madumihan ang tubig na ginagamit ng mga lokal sa ibabang bahagi ng bundok. Dumaan sa mga lumang daanan kahit maputik; ‘wag na ‘wag gagawa ng bagong daanan upang maiwasan ang pagkasira ng bundok.

Itapon ng maayos at tama ang mga kalat.

Kung ano ang iyong inakyat ay iyo ring iba­baba, simple pero hindi nasusunod ng lahat.  Ang patakaran na ito ay hindi lang dapat gawin sa bundok kundi maging sa bawat oras.

Ang kalat gaya ng plastic, wet and dry tissue, lata, bote ay malabong matunaw, nagduduot din ito ng makapinsalang gas sa tao at sa kapaligiran. (Itutuloy…)

ACIRC

ALAMIN

ALIGN

ANG

BAWAT

LEAVE NO TRACE

LEFT

MGA

MT. PULAG

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with