Nagpatawag si Andres Bonifacio ng pulong noong Agosto 23, 1896 nang matuklasan ng mga Kastila ang katipunan. Mahigit 500 katipunero ang nagtipon sa Pugad Lawin sa bakuran ni Juan Ramos, anak ni Melchora Aquino. Sa pulong ay iniutos ni Bonifacio na ilabas ang kanilang sedula at punitin. Ito ay bilang tanda ng kanilang kahandaan na tapusin na ang lahat ng kanilang paghihirap. Nakiisa ang lahat ng Katipunero at lahat ay sumigaw ng “Mabuhay ang Pilipinas.” Ito rin ang itinuturing na unang sigaw ng paglaya.