Ang unang mekanikal na operation ng digestive system ay ang pagpasok ng pagkain sa ating bibig na ang proseso ay pagnguya.
Ang mastication o pagnguya ay paghati-hati ng pagkain hanggang ito ay maging maliit, butil, at makatas na magbibigay ng juice sa proseso ng digestion. Habang nagngunguya, ang bibig; pisngi; at dila ay itinutulak ang pagkain sa ngipin. Ang dila na may skeletal muscle ay tinatakpan ang mucous membrane, na mahalaga rin sa pagsasalita.
Ang apat na bahagi ng ngipin ng tao ay may magkahiwalay na function sa pagnguya ng pagkain. Sa simula, ang dalawang ngipin sa harap at sa likod ay incisors o pangkagat sa pagkain. Ang sumunod na ngipin ay cuspid, pang biyak ng pagkain. Ang natirang mga ngipin, na dalawang premolars at tatlong molar ay may pantay na bahagi na pangpino at pagpiga ng pagkain.