Ang Litotes ay ginagamit ang salitang “hindi” para ipahiwatig ang makahulugang pagsang-ayon sa sinabi ng kausap. Halimbawa: Hindi ka man magsalita, pero alam kong mahal mo siya.
Antitesis ay pagpahahambing ng magkasalungat na pahayag. Ipinahahayag nito ang pagkukumpara ng dalawang bagay na tunay na magkasalungat, ginagamit ito upang palutangin ang katangian ng isang bagay na kaiba sa uri ng isa pang bagay. Halimbawa: Ang matalinong bata ay nagpapasaya sa magulang, ngunit ang rebelde ay kahihiyan ng kanyang ina.