100 Greatest Cooking Tips
(Last Part)
91—Nagbe-bake ka ng muffin pero naubusan ng itlog. Mainam na substitute ang saging. Sa bawat isang itlog, ang kahalili ay kalahati ng medium size saging.
92—Ang green vegetables ay lalong titingkad ang kulay kung hindi mo ito tatakpan habang niluluto.
93—Mas hahaba ang shelf-life ng celery kung babalutin ito ng aluminum foil bago itago sa vegetable crisper.
94—Kung kailangang palambutin ang butter, kudkurin ito sa cheese grater para mas mabilis matunaw.
95—Kung maghuhurno ng buong manok pero health conscious ka: Huwag munang tanggalin ang skin nito. Nagdadagdag ito ng flavour. Tanggalin lang ang skin kapag ise-serve at kakainin na.
96—Masakit sa balat kapag napadikit ang sili. Bago maghiwa ng maraming sili, magpahid muna ng cooking oil.
97—Kapag naggigisa: Unahin ang sibuyas. Haluing mabuti hanggang sa mag-caramelize ito (medyo nagba-brown ang gilid pero di sunog). Saka ihalo ang bawang. Sa puntong ito, ilalagay ang patis, black pepper at vetsin. Haluing mabuti. Ito ang sekreto nang masarap na paggigisa.
98—Para mas mabilis ang pagbabalat ng maraming bawang: Ibabad ng 30 minuto sa maligamgam na tubig. Mabilis na matatanggal ang balat.
99—Upang mabilis matanggal ang amoy ng bawang sa kamay: Habang nakasahod sa gripo, ikuskos ang stainless spoon sa kamay na para bang ito ay sabon. Saka sabunan ang kamay.
100—Para maging mabilis ang pagkudkod sa cheese: Ilagay muna sa freezer ng 30 minutes saka kudkurin.
- Latest