Matagal na natin alam na nakapagpapaganda ng kutis ang Vitamin C. Nilalabanan din nito ang free radicals na may kinalaman sa cancer. Sa bagong pag-aaral na isinagawa, natuklasan ng mga researchers na may kakayahan din tumunaw ng body fats ang Vitamin C.
Ang mga babae ay nangangailangan ng 45 to 75 mg na vitamin C per day depende sa edad. Mas matanda, mas mataas na milligrams ang kailangan. Sa mga kalalakihan, 45 to 90 mg per day.
Ang isang medium size na papaya ay nagtataglay ng 188 mgVitamin C.
Bell Pepper—117 mg per cup. Strawberries—85 mg per cup. Broccoli—81 mg per cup. Pinya—fresh, 79 mg. per cup. Repolyo—75 mg per cup. Bayabas—228 mg to 338 mg per cup. Kiwi fruit—164 mg per cup. Oranges—36 mg per fruit. Mangga—46 mg per cup. Kamatis—42 mg per cup. Oranges—70 mg per piece. Calamansi—7.5 mg per piece. Mas mataas ang vitamin C kung hinog ang prutas at hindi luto ang gulay.
Ang mga taong malaki ang tsansa na kulang sa vitamin C—Mga naninigarilyo; mga batang ang ipinaiinom o ipinapasusong gatas ay pinakuluang evaporated milk sa halip na infant formula; mga taong hindi mahilig kumain ng gulay at prutas; at mga taong lasenggo.