Bumalik si Dr. Pio Valenzuela sa Maynila noong Hunyo 26, 1896. Ibinahagi nito ang lahat nang pinag-usapan nila ni Jose Rizal. Ipinagpatuloy naman ni Andres Bonifacio ang paghahanda sakaling sumiklab ang rebolusyon nang hindi inaasahan. Patuloy ang paggawa ng mga itak. Pero walang laban ito sa armas ng Remmington at Mausen ng mga Kastila.