Ang terrorismo ay isang seryosong bagay lalo na sa katatapos na pag-atake sa bansang France, kung saan 150 ang namatay na kinokondina ng buong mundo. Malapit o malayo man sa pinangyarihan sa baloyenteng pag-atake, lahat ay nakaranas ng komplikadong emosyon partikular na ang takot.
Bagamat ang nangyari ay pagsisilbing babala sa buong mundo, mahalaga rin na makontrol ang takot at panic lalo na sa mga bata at kabataan na nagtatanong sa nangyari sa bansang France.
Pinakamabisang formula sa pagtaboy ng takot sa isipan kapag may kaguluhan sa ibang parte ng mundo, ang katagang “…kay Hesus ay may kapayapaan,” Juan 16:33 ang dapat i-quote na verse sa tuwing aatake ang panic sa iyong dibdib.
Marami pang maririnig na kahindik-hindik na kuwento sa darating na araw tungkol sa banta ng terrorismo, walang mabisang sandata ang manalangin at magtiwala sa panahon ng kaguluhan.